Home > Closing Entries > Closing Entries

Closing Entries

Closing Entries.
(I assume alam nyo na ang normal balance ng income/expense accounts ah)

Ang tanong na unang papasok sa isip nyo ay kung ano ang “Closing Entries”, bakit ito ginagawa, at ano ang kino-close.
Ok, balik tayo sa 5 basic financial statements: Balance Sheet, Income Statement, Cash Flow Statement, Statement of Changes in Equity, Notes to Financial Statements. Let’s focus on the first two. Ang Balance Sheet ay naglalaman ng “REAL ACCOUNTS”. Ito yung mga accounts na kine-carry ang balance from period to period para masukat ang kalagayan ng isang kumpanya “at a point in time” dahil balance sheet is defined as “a statement that reports of the financial position of an entity at a point in time”. Ang income statement naman naglalaman ng “NOMINAL ACCOUNTS” or “TEMPORARY ACCOUNTS” . Bakit temporary? Kasi ganito. Isipin nyo ang isang timba, taon taon, palaging pinupuno ang timba (whether kumita ka o nalugi) at sa end ng taon, susukatin mo kung gaano napuno yung timba tapos ilalagay ang laman nito sa isang permanenteng lalagyanan at sa huli, wala na namang laman ang timba dahil nailipat mo na.
Same is true with financial statements. Taon taon, kikita at gagastos ka. Habang lumilipas ang isang taon, nilalagay mo ang mga income/expense figures mo sa income statement accounts (na irereport mo sa income statement) at pag tapos na ang taon at naireport mo na kung magkano ang kinita mo (kung gaanong napuno ang timba) ico-“close” mo na ang income statement accounts at ililipat mo sa “Real Account”. So at the end of the year, wala na ulit laman ang timba dahil nailipat mo na. para mas maintindihan, ilagay natin sa isang example. To illustrate:

At the end of the year, Martin de Porres compan’s Adjusted Trial balance is as follows (simple nalang ah)

https://i2.wp.com/i438.photobucket.com/albums/qq107/joseph0487/Untitled-1.jpg

Ang una mong ippeprapare ay ang income statement mo. So, ito ang income statement nya kung saan lahat ng Nominal Account/Temporary Accounts ay ilalagay natin.

https://i1.wp.com/i438.photobucket.com/albums/qq107/joseph0487/is.jpg

Ok, so ang natira ay ang mga Real account or ang Balance Sheet Account. Papano na yan?? Hindi magbabalanse yun kasi tinanggal mo na yung mga temporary accounts at nilagay sa Income statement. Dyan papasok ang Closing entries. Ang closing entries ay ginagamit para ilipat ang mga nominal accounts sa real account, which is the capital account.

So, para iclose ang income accounts, idedebit natin sila at para iclose ang expense accounts iccredit natin sila.

https://i2.wp.com/i438.photobucket.com/albums/qq107/joseph0487/closing.jpg

Sa ngayon, zero na ang balance ng Temporary accounts. So, ililipat naman natin agad ang balance ng income summary (credit balance of $34) sa capital account

https://i1.wp.com/i438.photobucket.com/albums/qq107/joseph0487/lastentry.jpg

Since nailagay na natin in essence lahat ng income/expense accounts sa capital account, balance na ang Balance Sheet.

https://i2.wp.com/i438.photobucket.com/albums/qq107/joseph0487/bs.jpg

Naintindihan po kung para saan ang closing entries?
Itanong lang yung mga tanong na pumapasok sa utak ah.

Advertisements
Categories: Closing Entries
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: