Home > Costs and Expenses in a Business > Costs and Expenses in a Business

Costs and Expenses in a Business

Ajtc wrote on Fri, 27 February 2009 05:28
thanks po kuya sa lectures! hehe pwede po bang paelaborate po ng mga costs sa manufacturing like

direct/indirect materials,
direct labor,
factory overhead,
product cost,
indirect cost,
direct cost,
period cost,
prime cost and
conversion cost pwd po magbgay kau ng examples for each, un tst nmin nxt wik e thanks po!!! Smile

COSTS & EXPENSES in a Business

Maraming basis ng classification of expense. Isa sa mga basis ng classification ay kung inventoriable or non-inventoriable sya. Kaya may:

PRODUCT COST ito yung mga cost na inventoriable. Meaning to say, ito yung mga costs ng pag-gawa ng produkto kaya isinasama sa “cost” ng product kaya nga from the word itself, “Product costs”. Since “inventoriable cost” sya, magiging cost lang sya pag naisama na sya sa Cost of Goods Sold. Kung hindi pa sya part ng Cost of Goods Sold, irereport sya as CURRENT ASSET as INVENTORY.

ang mga product costs ay:

Direct Materials
Direct Labor
Factory Overhead

at PERIOD COST naman, ito yung mga hindi related sa pag-gawa ng produkto so expense in the period of incurrence. To simply put ito yung lahat ng expenses na hindi inventoriable like (e.g. interest expense, selling expenses, operating expenses, gen & admin expenses etc)

Ok, so dalawa lang ang klase ng expense as to whether inventoriable or not: period or product costs.

To go into details as to expenses, read the following:

Direct Material – ito yung mga materials na ihahalo mismo sa mga produktong gagawin tulad ng Leather (kung sapatos), clay (kung mga paso). Kung baga kung wala ang mga ito, hindi makukumpleto ang produkto. Ito rin yung mga tinatawag na Raw materials

Indirect Materials – ito yung mga materyales na hindi talaga importante sa pag-gawa ng produkto or hindi mo direktang makikita sa produkto pero kailangang gamitin para magawa mo yung produkto tulad ng mga tools, pako, screws, martilyo, etc. Diba hindi naman sila “main” ingredient ng produkto pero kelangan sila sa pag-gawa ng products. Inventoriable sila pero pumapasok sila sa Factory Overhead.

Direct Labor – ito yung serbisyo ng mga empleyado na mismong gumagawa ng produkto.

Indirect Labot – ito yung serbisyo ng mga empleyado, though hindi sila mismo yung gumagawa ng produkto, kelangan sila para makumpleto yung produkto like Factory Manager’s Salary, Warehouse keeper’s salary, etc. Basta sila yung mga HINDI mismong “directly” na gumagawa ng products pero involved sila sa Factory ng pagawaan ng produkto. Inventoriable cost din to at pumapasok sa Factory Overhead.

PERO tandaan na ang sahod ng mga empleyado na nasa “Factory Office” at ng iba pang opisina ay hindi indirect cost kasi sa admin na yun, so General and Administrative expense sya (period costs), wag malilito.

Factory Overhead – Ito yung mga gastusin sa factory na hindi naman hinahalo sa produkto pero importante para magawa yung produkto like kuryente tubig (utilities), indirect labor, inderect materials.

Direct Cost – ito nga yung mga direktang hinahalo sa produkto (direct material/labor)

Indirect Cost – ito nga yung mga hindi direktang hinahalo sa produkto pero importante sa paggawa ng producto (indirect material/labor)

kung nakita nyo dun sa last part ng lecture ko sa manufacturing, andun yung formula ng prime at conversion cost

Prime Cost = Direct Material + Direct Labor

bakit prime? syempre sila kasi talaga yung material and labor na importante talaga sa produkto.

Conversion Costs = Direct Labor + Factory Overhead

Bakit Conversion? Kasi sila yung mga cost na importante para ma-“convert” yung mga materyales sa finished products.

other costs na pede nyo pa maencoutner

Fixed Costs/Expense – ito yung mga costs na regardless sa anumang factor, equal ang expense nya buwan buwan (unless magtaas ng presyo ang vendor) tulad ng Telecommunication Expense, Subscription Expenses, Utilities Expense, etc.

Variable Costs/Expense – ito yung mga expense ay nakadepende sa factors like level of production, number of employees, etc. kaya “variable” kasi the cost/expense varies from period to period depending on some factors.
Operating Expense – ito yung mga gastusin na hindi involved sa pag-gawa ng product pero importante sa “operations” in general ng company as a whole. So yung Depreciation ng asssets sa Factory, professional expense, tax & licenses, accounting expense, supplies (na hindi involved sa produkto), etc.

Selling Expense – ito yung mga gastusin in an effort to sell the products to the customers like yung mga gastos sa store, promotions, Salesman’s salary (tandaan, hindi to indirect labor ah, hinding hindi), etc.

General and Administrative Expense – ito yung mga gastos sa loob ng opisina/administration at ng company in general like salaries ng mga tao sa opisina, depreciation of office assets, office supplies, bad debts expense.

Other Gains/Losses – ito yung mga hindi ma-classify sa kahit anumang classification like Gain/Loss from Sale of Assets, Realized Gain/Loss from Sale of Investment, Urealized Gain/Loss from Trading Securities, Loss from Fortuitous Events, etc. etc.

Extraordinary Items – tandaan. PROHIBITED ito sa IFRS. isang malaking mortal sin ang pagsama sa income statement ng cost classification na ito. Instead na extraordinary item sya, considered nalang sya as Other Gains/Losses. pero sa US GAAP, allowed ang extraordinary items as long as the expense is “infrequent” and “unusual”. pero, since nasa Pilipinas ang setting, at IFRS tayo, PROHIBITED ito.

FYI

Ano ba ang difference ng INCOME/EXPENSE at GAINS/LOSSES. Pag:

Income/Expense – ito’y nanggaling sa main operations ng company

Gains/Losses – incidental lang sya kaya na-earn at na-incur meaning to say, hindi galing sa operations at dumating nalang bigla dahil sa mga pangyayari (tulad ng “Gain” from Sale of Assets, “Loss” from Fortuitous Events, Unrealized “Gain/Loss” from Trading Securites)

Additional Info lang din (galing to sa prof namin dati) Ano naman ang pinag-iba ng “COST” at “EXPENSE”. Pag sinabing COST, usually ay capitalizeable sya (nagiging part ng asset/liability). Pag sinabing “Expense” ibig sabihin considered as gastos na for the period at hindi na ica-carry over next period sa balance sheet hindi tulad ng COSTS. Pero tandaan na HINDI sya in a strict sense, meaning to say pwede naman gamitin interchageably pero mas appropriate yang ganyan.

Advertisements
  1. rona
    January 25, 2011 at 11:08 pm

    sir gud pm,

    kindly give some highlights regarding INCOME STATEMENT & sample…

    More power & God bless.

    rona

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: