Home > Merchandising & Manufacturing > Merchandising & Manufacturing

Merchandising & Manufacturing

Merchandising and Manufacturing

Keep in mind na may tatlong basic na klase ng business sa mundo: Service, Merchandising, Manufacturing. Pero ano ba ang pinagkapareho at pinagkaiba ng Merchandising at Manufacturing? Ipapaliwanag ko muna ang isa’t isa.

Tandaan nyo lang palagi ang formula na

NET SALES minus COST OF GOODS SOLD equals GROSS PROFIT

A. INTRO

MERCHANDISING

Sa komersyo, maski noong unang panahon pa, uso na ang merchandising. Sila yung mga nagbebenta sa publiko ng mga finished product na meaning to say hindi sila mismo ang gumagawa ng produkto, sila ang nagbebenta. “Merchant” kung baga. Pero, hindi lang sila basta basta nagbebenta ng produkto para maidala sa atin ang mga produkto, syempre ang palaging goal ng business is to “earn profit”. Bilang isang merchant, bumibili siya ng mga produkto sa supplier nya. Syempre kelangan nyang malaman ang cost ng mga ibebenta nya para malaman nya kung magkanong ipapatong nya. So, nagpapatong ng “Gross Margin” ang merchant, or “tubo” para icover ang mga other expenses nya at
may kita pa para sa kanya.

Isang pinaka-basic na example ng merchandising business ay ang Sari – Sari Store. Share ko lang: noong accounting 1a&b ko, syempre excited ako sa accounting, naisipan ko tuloy na iaccount ang aming maliit na sari-sari store. Una syempre, kelangan ko ng mga source documents tulad ng mga resibo ng pinamili ng nanay ko. Tapos syempre kailangang bilangin ang imbentaryo ng mga paninda (kunyari kasi simula ng calendar year). Ngayon, sa mga bentahan, may mga cash sales, at karamihan ay credit sales (at madalas kami mag write-off ng accounts, hehe). Di nagtagal, naging busy narin ako sa accounting at buwisit na ko sa kaka-account dahil kulang kulang ang nakukuha kong source documents, mga pautang, atbp. Kaya tinigilan ko na (sakit pala sa ulo iaccount ang maliit na sari sari store, hehe)

MANUFACTURING
Ang manufacturing, ang mga kumpanya mismo ang gumagawa ng finished product na ibebenta nila mula sa raw materials. Parang merchandising din ang accounting nito pero ang komplikasyon lang ay ang cost of goods sold. Kasi kelangan mo kunin ang cost ng finished product na nabenta mo para macompute mo yung kita mo (to be discussed later).

B. ACCOUNTING

MERCHANDISING

Sa merchandising, iisa lang ang klase ng Inventory mo, at ito
yung tinatawag na MERCHANDISE INVENTORY o yung mga produktong ibebenta mo. Yun lang ang inventory mo, wala nang iba pa.
Una, syempre kelangan natin malaman ang NET sales. Pano nga ba nakukuha ang NET sales? Edi
SALES minus SALES RETURNS AND ALLOWANCES = net sales.
Yun na yun ok? Proceed tayo sa Cost of Goods Sold

Ano ba ang COST of goods sold? Basically ang cost of goods sold ay ang nagastos mo sa produkto na naibenta mo. Kaya nga COST ng GOODS na naibenta.

Sa merchandising simple lang ang computation ng Cost of goods sold. Ganito yan:

May beginning inventory ka, ito yung mga produktong hindi naibenta last year na ibebenta mo this year. Syempre, hindi lang naman ang mga produktong iyan ang ibebenta mo, bibili ka pa ng dagdag na ibebenta mo this year so may PURCHASES ka na idadagdag mo. Syempre, minsan pag may binili tayo sa supplier, minsan may discounts or isinosoli natin kasi yung ibang nabibigay ng supplier sira or may damage so magkakaroon ngayon ng PURCHASE RETURNS AND ALLOWANCES. Madalas din syempre pag bumibili tayo ng producto, hindi lang naman galing sa kanto yan nanggagaling pa yan sa kung saan saan kaya may FREIGHT IN tayo. Ito yung mga freight charges nung inangkat or pumasok sa atin yung producto (tandaan, PUMASOK sa kumpanya ang produkto kaya FREIGHT IN). Kung pagsasama samahin mo yung:

Beginning inventory + PURCHASES – Purchase Returns and allowances + freight in

Ito bale yung suma total ng produktong maaari mong ibenta sa sa mga customers kaya ito tinatawag na Cost of Goods AVAILABLE for sale.

Yung Purchases – Purchase Returns and allowances + freight in nyo, yan na yung net purchases.

Ok, kunyari, tapos na ang taon, Dec. 31 na naman. So, bibilangin ng kumpanya kung ilan yung natirang produkto dahil hindi nabenta ito ang tinatawag na ENDING INVENTORY. So anong magiging katuturan noon sa computation mo ng COST OF GOODS SOLD (COGS). Isipin mo, yung total na pwede mong mabenta sa customers, dalawa lang patutunguhan nyan: either nabenta or hindi nabenta. Kung alam mo kung ilan sa mga iyon ang hindi nabenta, sure na sure malalaman mo kung ilan ang nabenta. Kaya:

COST OF GOODS AVAILABLE FOR SALE – ENDING INVENTORY = COST OF GOODS SOLD

Ok, kung ieexpand natin ang formula:

Beg. Inventory + Purchases – Purchase Returns and allowances + Freight In – Ending Inventory = Cost of Goods Sold

MANUFACTURING

Pareho lang halos ang accounting ng manufacturing at merchandising kasi pareho lang silang nagbebenta ng produkto ang pinag-iba lang, sa manufacturing kasi, sila pa gumagawa mismo ng produktong ibebenta nila. So, may kumplikasyon sa computation ng Cost of Goods sold. Dun lang sila nagkaiba. Pero madali lang din yan.

Kung sa merchandising, iisang klase lang ang inventory mo: merchandise inventory (which is yung ibebenta mong product) sa manufacturing, TATLO:
Raw Materials Inventory (mga materyales na gagamitin mo)
Work-in-process Inventory (yung mga hindi pa natapos na produkto)
Finished Goods Inventory (yung mga natapos na)

Ang aim mo lang naman para macompute mo ang Gross Profit mo ay macompute mo ang COGS mo. Anong koneksyon ng tatlong yan sa Cost of Goods Sold mo? Yung flow nung products from raw materials to finised goods, may cost. Kada galaw ng producto sa assembly line, may gastos, may cost. Yun ang aalamin natin.

Ok, simulan natin ang kuwento. Kunyari may pagawaan ka ng sapatos.

Si Tomas, gumagawa ng sapatos para ibenta.

Materials Inventory

Simula tayo sa Warehouse ng kumpanya kung san nakatago yung mga materyales. Syempre kelangan nya ng mga materyales sa paggawa ng sapatos diba. Assuming isa lang ang ginagamit nyang materyales. Kelangan nyang komputin yung cost ng materyales. Sa pag-compute ng costs kada inventory, parepareho lang ang logic nyan ah. Para sa materials:

Beginning Materials Inventory + Purchases – Ending inventory = Raw Materials USED.

Same logic. Yung beginning mo na materyales plus yung nabili equals yung dami ng materyales na puede mong gamitin sa paggawa ng sapatos. Dalawa lang patutunguhan nyan either: Nagamit or hindi. Syempre yung hindi nagamit yun ang ending raw materials inventory kaya ibabawas mo yun sa Total Materials Available for USE (ito yung Beg. Materials + Net Purchases) para makuha mo yung cost ng nagamit lang.

Work In Process inventory

Proceed naman tayo sa factory ni tomas. Dito nya ginagawa mismo ang sapatos. So habang ginagawa ni Tomas yung sapatos, diba gumagamit sya ng materyales, nagpapasahod sya ng mga trabahador, at gumagamit ng kuryente. So yung nagamit na materyales, papasok na sa Work In Process Inventory. Same logic lang din yan:

Beginning Work in Process + Total Manufacturing Costs– Ending inventory = Total Goods manufactured

Beginning Work in Process + Raw materials Used (ito yung kaninang kinompute natin) +Direct Labor + Factory Overhead – Ending inventory = Total Goods manufactured

Same explanation. At the beginning of the year, may mga hindi ka pa natapos na produkto. So kelangan mo tapusin yung mga yun. Kaya idadagdag mo yung MANUFACTURING COSTS mo. Ano yung manufacturing Costs? Ito lang yung cost ng paggawa ng produkto kaya ang ito ay ang:

Raw materials USED (ito yung nakompute natin sa Raw materials kanina) + Direct labor + Factory Overhead = total manufacturing costs

Ngayon, yung cost ng mga hindi mo natapos last year, idadagdag mo ang cost ng mga ginagawa mo this year, which is yung manufacturing cost nga. So, pag inadd mo yung Beginning work in Process at ang Total manufacturing costs, ang sagot ay Total Goods put into Process. Ngayon, sa pagtapos ng taon, may mga hindi ka pa natapos na produkto. Dalawa lang naman ang papasukan ng mga in-process goods either: Natapos or Hindi Natapos. Yung total ng mga lahat ng in-process goods minus yung hindi mo natapos this year equals sa natapos mo this year!
So pwede mo ring sabihing:

Beginning Work in Process + Raw materials Used (ito yung kaninang kinompute natin) +Direct Labor + Factory Overhead – Ending inventory = Total Goods manufactured

Finished Goods Inventory

Dito na binebenta ni Tomas yung mga sapatos na natapos na nya. Dito, may mga hindi pa sya nabenta last year (Beginning Finished Goods Inventory). Syempre, may mga bagong pasok sa store galing sa factory. Ito yung mga Goods Manufactured. Ang suma total ng mga natirang produkto last year at produkto na ntapos mo this year ay ang Cost of Goods AVAILABLE for Sale. So dalawa lang din ang pupuntahan nyan: either nabenta or hindi nabenta: so, kung alam mo ang ending finished goods inventory mo, malalaman mo kung magkano ang nabenta mo kaya:

FG inventory beginning + Total Goods Manufactured – FG Ending = COST OF GOODS SOLD

Ito bale ang Formula (wag kabisaduhin ah, kunin ang LOGIC)

Raw Materials, beginning
+ Purchases
– Purchase Returns and allowances
+ Freight
Raw materials available for use
– Raw materials, End
Raw Materials USED
+ Direct labor
+ Factory Overhead
Total manufacturing Costs
+ Work in process beginning
Cost of Goods Put into Proceess
– work in process, end
Total Goods manufactured
+ Finished Goods Inventory, Beginning
Cost of Goods Available for sale
– Finished Goods, End
COST OF GOODS SOLD

To summarize at para mas malinaw, gamit tayo ng T-Account :

https://i0.wp.com/i438.photobucket.com/albums/qq107/joseph0487/merch.jpg

ok, sana makatulong.

bukas naman yung mga Freight at kung papano kapag FOB Shipping Point or FOB Destination, pati kung prepaid or collect, tulog na muna ako. oki?

sana makatulong, tanong lang palagi!
Very Happy Very Happy Very Happy

Onga pala, madalas itanong to sa quiz, yung parts ng manufacturing costs:

Prime Cost = Raw Materials Used + Direct labor
Conversion Cost = Direct labor + Factory Overhead

Advertisements
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: