Home > Intangible Assets (Goodwill, explained) > Intangibles (Goodwill, explained)

Intangibles (Goodwill, explained)

Tanong ko lang po dito kuya Joseph. If ang isang kompanya ay na acquire at halimbawang may goodwill sa acquisition let’s say P20,000 so sa books nila ay may entry na goodwill P20,000. Tapos etong kompanyang ito ay na reacquire na naman resulting to another goodwill of P40,000. So is it P60,000 na lahat ang goodwill or P40,000 lang?

Tandaan natin na ang Goodwill ay non-transferrable. Kapag inacquire ng Parent ang Subsidiary, at prior to acquisition ay may Goodwill si Subsidiary, kapag nirevalue ang Assets/Liabilities ni subsidiary, I-DIDISREGARD ang Goodwill ng ACQUIRED COMPANY for the computation of the new Goodwill due to acquisition. Sabi sa definition, Goodwill only arises from purchase acquisition not from any other transactions.

Anong logic nito? Kasi ang Goodwill ay NOT IDENTIFIABLE, meaning hindi ito pedeng iseparate sa entity. Unlike other Intangibles like Trademarks, Patent, Copyright, hindi sya pede ibenta kasi hindi mo ito ito maiseseparate sa company.

Classic example: COLGATE. Ang company ng colgate ay kilala sa pagproduce ng quality toothpaste. Let’s say for example, as of date, ang Colgate ay may Net Worth na nagkakahalaga (FMV) ng 1,000,000 and as of date gusto syang bilihin ng Kutitap Toothpaste. Since alam ng Kutitap Toothpaste na magandang kumpanya ang Colgate at may dating ito sa masa, binili nya ang Colgate ng worth 1,200,000. So, may excess na 200,000 diba? Yung excess na yun ay yung add-on value na nakikita ng prospective acquirer ng isang kumpanya dahil sa expertise ng acquiree company sa isang aspeto sa field kung saan ito nabibilang. Iyong 200,000 na yun ang tinatawag na Goodwill. Yun yung parang “add-on” value ng isang kumpanya. So, pag nagconsolidate sila, may 200,000 nang goodwill na item sa Consolidated Balance Sheet nila. Thus, Goodwill is created.

However, if after some time, Kutitap and all of its subsidiaries were bought by Smile Toothpaste, when the net book value of Kutitap will be computed and revalued for FMV, ididisregard yung 200,000 na Goodwill. Kunyari. As of date of purchase, ang:

FMV ng Net Identifiable Assets: 6,000,000

FMV ng Goodwill ni Kutitap: 250,000

Purchase Price ni Smile: 6,050,000

IDIDISREGARD ang Goodwill ng ACQUIRED COMPANY for the computation of the new Goodwill due to acquisition.FMV ng Goodwill ni Kutitap: 250,000Purchase Price ni Smile: 6,050,000

Then, ang new Goodwill ay 50,000 lamang. Kasi nga, goodwill arises when and only when purchase acquisition occurs kasi nga hindi indentifiable asset ang Goodwill. So, unlike some other Identifiable assets (Inventory, PPE, etc), ang Goodwill ay hindi kine-Carry Over upon a new acquisition kasi hindi ito nabebenta. Para kang nagbenta ng reputasyon mo. Hindi mo naman maibebenta ang sarili mong reputasyon sa iba at maittransfer yun, diba?? Kasi ang reputasyon ay not identifiable at not separable from a person. Parang ganon ang Goodwill. Binibili ang isang kumpanya sa reputasyon at kina-quantify yung reputasyon na yun through Goodwill na, uulitin ko, hindi mo mabebenta separately from the company.

Advertisements
  1. December 12, 2009 at 5:10 am

    Ayan, hindi na gray ang font color ngayon, hindi na masakit sa mata. Hehe

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: