Home > Investments (Q&A's with Alexis' contribution :) ), Uncategorized > Investments (Q&A’s with Alexis’ contribution :) )

Investments (Q&A’s with Alexis’ contribution :) )

From Alexis:

Marisse wrote on Thu, 25 June 2009 22:21
mangangahas na ko magtanong Laughing

tungkol po sa investments:
1. Bakit hindi kasama ang incidental costs sa pag recognize ng TS?
2. Bakit sa AFS, historical cost pa rin ang gamit pag binenta unlike TS na FMV?
3. Binebenta ba ang Investment in Associate? Kung binebenta yun, nababawasan ba yung interest (percentage/significant influence) nung shareholder dun sa company?
4. Bakit sa TS, ang UHL/UHG sa P/L statement tapos sa AFS naman sa SHE pinepresent? tapos nirereverse din naman yung UHG/L ng AFS sa simula..?
5. Bakit sa Investment in Asso, cinecredit yung investment pag nagkaron ng dividends? instead na dividend income?
6. TS at AFS lang po ba ang pinepresent at FMV tuwing reporting date? Bakit? XD

Salamat Very Happy

haha…kunwari ako si Kuya Joseph (feeling!) haha..etong mga sagot na to ay sa pananaw ko lang…

1. Actually, nasa standard yan eh PAS 39 ata. Wala kasing explanation kung bakit hindi isinasama, basta sa standard, hindi siya sinasama pero siguro dahil TS eto, mas mabilis ibenta at mas mabilis mabili, so kung papatungan ng transaction costs, tataas ang presyo, parang madaya siya sa FS.

2. Sa AFS, parang historical cost siya pero iaaccount mo pa rin yung Unrealized Holding Gain/Loss na nasa SHE (sa bagong standard nasa Other Comprehensive Income siya) bale lalabas magnenet yung Historical Cost at yung UHG/L niya which makes the selling of AFS at Market instead of at Historical Cost
(dr)Cash xxx
(dr)UHG/L xxx
(cr)AFS xxx
(cr/dr)Realized G/L xxx
—Di ko sure yang entry na yan ah, pero kung mapapansin mo, yung AFS na na-credit may kabanggang UHG/L na na-debit resulting into making the transaction really at market. =D

3. Bihira ata ibenta ang Assoc dahil intention mo na makisali sa operations ng ibang company eh. Kung ibenta man ang part nun, ok lang ata, mababawasan ang interest depende sa agreement ng parties. Pero usually, kung wala, proportionate reduction ng interest yun, ngayon kung ang usapan ay influence nila, depende pa rin sa sitwasyon. Meron kasi kahit 15% lang may influence pa rin.

4. Nasa standard talaga na TS ay sa P/L kasi ang classification niya ay Fair Value through Profit or Loss. Ang intention mo kasi diyan ay immediate trading. So para mareflect yung gains/losses ng paghawak mo ng instrument na yan, sa P/L kagad siya. Unlike AFS, kaya Available for Sale kasi ibinebenta siya pag kailangan mo ng CASH. Yung gains/losses niya due to change in FV, sa Other Comprehensive Income or sa SHE sa dating standard. Nirereverse siya pag ibebenta na kasi marerealize mo na yung inincrease ng value nya eh.

5. Wala talaga ko idea kung bakit ganyan yung entry, hehehe. Very Happy Pero sa tingin ko, dahil parang parte ka ng kompanya na namimigay ng dividends, nagkataon lang na tatanggap ka rin ng dividend in the form of cash.
(dr)Cash
(cr)Inv. in Assoc

Parang return OF investment. Take note na OF, hindi ON kasi yung return on investment mo marerealize mo pag nagrerecognize ka ng income ng associate
(dr) Investment in Assoc
(cr) Income from Investment

6. As far as I know, TS at AFS lang. Kasi sila ang mas ready na ibenta at kailangan ipresent sila sa presyong armslength na gagamitin ng prospective buyers kung sakaling ibenta sila.

Sana may napulot ka, hehe. Yung iba hula ko lang. Sana magback-up na si kuya Joseph. Very Happy

My addition:
dagdag lang din po sa notes ni kuya alexis:

1. tama si kuya alexis, kasi current asset ung TS. Bakit mo pa sya icacapitalize kung pareho lang naman sila marerecognize sa income statement in the near future. Kasi walang “Future economic benefits”

2. Ganito kasi yan. Kung mapapansin mo, ang tawag pag nirevalue mo ung AFS mo to FMV, ay “UNREALIZED holding gain/loss” na pumapasok sa comprehensive income at hindi sa income statement. In contrast sa TS, direcho sa income statement.
Bakit?
kasi ang TS, current asset. Kung baga, ibebenta mo rin naman sya in the near future, so bakit kelangan mo pa idefer yung recognition ng gain kung ganon din naman?
ang AFS, non-current asset. kung baga, habang nag-aappreciate ung FMV ng AFS, hindi mo pa irerecognize in the face of the income statement unless ibenta mo na sya. Kaya during the time na ibenta mo ung AFS, ang tawag na ay “Realized Gain from Sale of AFS”

ang entry upon measurement to FMV:
kung tumaas value:
(dr) Market Adjustment
(cr) Unrealized Gain/Loss

kung bumaba value:
(dr) Unrealized gain/loss
(cr) Market adjustment

pag sold:
icclose mo yung “Unrealized gains” kasi mare-“realize” na sya

entry:

(dr) Unrealized gain/loss (kung credit balance to ah, baliktad kung debit balance)
(cr) Market Adjustment

(dr) Cash/Receivable
(cr) AFS (at cost)
(cr) REALIZED gain/loss (debit kung loss)

3. enough na ung kay kuya alexis

4. kasi sa AFS, since long term asset sya, dinedefer pa yung recognition ng income sa P/L statement kasi it would be like recognizing income which is not earned kung ipapasok mo sya sa Income statement na agad since di mo pa naman ibebenta ung AFS in the near future.

5. Kasi Dividends are viewed as “RETURN OF Inestment”. tama si kuya alexis. Kasi Associate ka nga eh, you’re not supposed to be receiving Dividends kasi kahit papano, hindi ka lang basta-bastang shareholder. Kaya kung tumanggap ka ng dividend, parang kinukuha mo lang uli ung ininvest mo.

6. tama si kuya alexis.

uy sorry talaga kung ngayon lang ako nakapost, medyo nabusy lang ako nung mga nakaraang araw. sorry sorry talaga. dibale ngayon lagi ko nang iuupdate ito.

Kuya Alexis! Salamat po sa pagsagot sa tanong! May future nga!! hahaha

[Updated on: ]

Advertisements
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: