Interest Expense

Elvin

Ano ba ung concepts ng computations ng mga accrued interest sa notes receivables at interest income. Kasi pag nababasa ako ng Financial accounting madali lng ung mga illustrations pero pag auditing problems na nakakalito ung mga computations. Ano bang concepts dun? Thanks kuya in advance, more power and God bless.

Tandaan mo lang: Kada taon, kumikita ng interest ang Notes (if Long-Term) or any form of amount due to a creditor. Ang interest kasi ay ang “kabayaran” sa pagpapautang sa atin at pag-gamit ng pera ng iba, parang renta. So, taon-taon, nagbabayad tayo ng interest based sa carrying value ng kautangan natin. Also, make sure if there is payment of Principal. Minsan kasi taon-taon hinuhulugan ng may-utang ang principal.

Isipin mo nalang ang isang halaman. Ang halaman, constantly tumutubo (interest) pero, taon-taon, pinuputol natin. Pag nagpuputol tayo ng part ng halaman, ang tinutukoy nun ay PAYMENT OF PRINCIPAL and INTEREST. Taon-taon, tumutubo pero putol tayo nang putol hanggang sa huling tubo na nya at puputulin na rin natin pati ugat (full payment). At ang Carrying Value nya ay ang current height ng puno as of year end.

Computation ng interest sa notes kapag:

Interest bearing ang notes:     FACE VALUE of notes   x   Interest Rate

Non-interest Bearing ang notes: CARRYING VALUE of the notes    x    Effective interest rate

(this was discussed in the Notes Payable/Receivable lecture)

Pag nag-aaudit ka, tatandaan mo palagi, dapat:

1. ) may accrual ng interest at the end of the year kung unpaid pa ang interest. Ang madalas na itanong sa audit ay kung magkano ang Unrecorded Interest or the Interest Expense for the year. Usually, magbibigay ang problem ng several payables/receivables at ilan lang dun ang notes (na kumikita ng interest) at Bonds.

2) Idistinguish mo rin kung ano dun sa mga notes ang Interest-Bearing at Non-Interest Bearing bago ka magcompute ng interest.

3.) Alamin ang Carrying value ng Notes or Bonds as of date of computation ng interest.

4.) Take note of the DATE. Napaka-importante ng date! At saka ka magcompute ng interest. Dapat kasi inaapportion ang interest depende kung kelan sya na-incur.

Tandaan: HINDI PALAGI EQUAL ANG INTEREST PAYABLE AT THE END OF THE YEAR at INTEREST EXPENSE FOR THE YEAR.

Bakit? May mga payables kasi na binabayaran ang interest sa alanganing buwan (hindi at the end of the year). So pag ang tanong, “accrued interest” for the year, ito lang yung interest sa taon na hindi pa binabayaran kasi hindi pa due pero incurred na since interest mo yun para sa taon.

Example:

2010, may Notes Payable ka (company uses calendar year) and Interest payable and principal of 10,000 payable every april 1.

As of  April 1 2010:

Carrying Value: 70,000

Interest Rate: 2%

END OF 2010:

Interest Expense:  70,000 * 2% = 1,400

Interest Payable: 70,000  * 2% = 1,400

(pareho pa since kakasimula palang)

END OF 2011

Interest Expense: ( 70,000 * 2% * 3/12) + (60,000 * 2% * 9/12) = 1,250 (laging, iapportion ang interest)

Accrued Interest Expense: 60,000 * 2% * 9/12 = 900

Carrying Value ng note: (70,000 * 1.02) tumubo frm apr. 2010 to apr 2011 MINUS (10,000 + 1,400) pinutol yung Interest at Principal PLUS (60,000 * .02 * 9/12) tumubo from apr. 2011 to dec. 2011.

71,400 – 11,400 + 900 = 60,900

Technique sa Aud Prob:

1) Wag magpapa-overwhelm sa Problems!! Pag gumagawa ng problems ang examiner, ang isang number is consisted of different financial accounting problems mixed into one problem. Ang gawin mo lang, putul-putulin ang problem. Ang aud prob kasi, pinagsama-samang financial accounting problems lang yan. Usually, unrelated problems. Tandaan mo lang, kung nanonood ka dati ng Batibot, “pagsama-samahin ang pare-pareho”. Meaning to say, yung mga problems na related lang ang pag-sama-samahin mo. Habang nag-sasagot ka, isa isahin mo para hindi ka ma-overwhelm sa haba ng problem.

2.) Pangalawa, mag-entries ka! Isulat mo yung mga correcting entry para alam mo yung adjustment sa mga accounts. Ung entry mo, kahit ikaw nalang nakakaintindi para mabilis. Effective kasi pag nagsusulat ng correcting entry kasi nalalaman mo yung effects sa iba’t ibang accounts. At pag nagpresent na ng sunod-sunod na tanong sa account balances, at may correcting entry ka, mabilis mong malalaman ang iaadd mo at idededuct mo sa account na tinatanong.

3.) Syempre, intindihin ang essence ng problem, alamin ang tinatanong.

Advertisements
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: