Home > Deposits in Transit and Outstanding Checks > Deposits in Transit & Outstanding Checks

Deposits in Transit & Outstanding Checks

From: Darlene

kuya,
paturo nman kung panu mgcompute ng outstanding checks and deposit in transit..

thanks,..c:c:

Eto ang formula:

Pero, syempre, let us explain the reason behind that formula, hindi kasi straight-line rule yan, marami kasi variations depende sa kung anong mga information/data ang available sayo.

Deposits in Transit and Outstanding Checks

Ano ba ang Deposit in Transit?

Ang mga deposit in transit ay ang cash ng kumpanya na idedeposito na sana sa banko kaso lang, hindi agad syempre nagclear.

Ano naman ang Outstanding Checks?

Ang mga outstanding checks naman ay ang mga babayarin ng kumpanya na ibinayad na sa mga pinagkakautangan ng kumpanya ngunit sa kung ano mang dahilan ay hindi pa ito nababayaran ng banko. Let’s start by discussing what a Bank Statement is.

Ang Bank Statement

Pag nagtatrabaho na kayo, sa kumpanya tuwing end of the month, nakakareceive tayo ng tinatawag na “Bank Statement” kung saan inirereflect doon yung lahat ng naging transaksyon mo sa pera mo sa bank, both receipts and disbursement. Nakalista doon lahat ng idiniposito mo, lahat ng binabayad mo, mga bank charges, pati narin bank errors. So full-disclosure talaga ang ginagawa ng bank para ipakita sayo kung papaano nag-move yung balanse ng Cash mo.

Sa mga hindi pa nakakakita nito sa totoong buhay, eto ang isang example ng isang aktwal na bank statement, para makita nyo yung sinasabi ko:
Click nyo ito

Diba andaming sulat? Usually ganyan ang mangyayari sa bank statement nyo pag nagsimula na kayo gumawa ng recon. Maraming klase ng format ng bank statement – may hiwalay ang bank credits sa debits, may magkakasama lahat lahat, may nakaayos according sa transactions. Wala kasing standard sa presentation ng Bank Statement kaya nagkaka-iba iba.

Kung papansinin nyo, maraming “check marks” (as in yung mark na check hindi cheke) at sulat-sulat ang bank statement. Iyan ay sa kadahilanang sa totoong buhay, ikaw mismo ang magbibilang kung anong deposito ba ang in-transit pa, kung anong check ba ang hindi pa naeencash.

Both Deposits in Transits (DIT) and Outstanding Checks (OS) are caused by the timing difference between transactions mo sa books at pagrereflect nito sa bank. Syempre wala naman tayo telekinetic powers para malaman agad ng bank kung anong pinag-gagagawa mo sa cash mo at maireflect nya agad. Lahat ng ginagawa mo sa pera mo sa bank, nag-uundergo ng proseso which usually takes a couple of days bago mai-post sa account mo sa bank.

Paano nagkakaroon ng DIT at OS

Gaya ng sinabi ko, ang lahat ng transaksyon na ginagawa mo sa bank usually takes a couple of days bago mag”clear” at maipost sa account mo (yung  records mo sa bank) habang ikaw naman sa loob ng kumpanya mo, as transaction occurs, nagrerecord ka na agad. IDEALLY, dapat kung ano ang balanse mo sa Cash mo sa book mo, equal dapat sa balanse mo sa Cash mo sa Bank kasi iisang pera lang naman ang pinag-uusapan natin dito eh, diba? Pero, since tao nga lang tayo at kailangan natin ng oras para maiproseso ang mga bagay-bagay, nagkakaiba madalas (if not everytime) ang balanse mo sa Bank Statement mo at sa Cash mo sa libro mo at a particular period of time (which is usually the end of the month).

Syempre, magtataka ka, saan nanggaling ang diperensya? Paano nagkaroon ng diperensya. Kaya ang kumpanya gumagawa ng “Bank Reconciliation”. Yun ang silbi noon – para ipakita sa users kung paano nagkaiba ang balanse sa Bank Statement at sa Book records mo.

Madalas, ang mga DIT at OS ay mga deposito at cheke na ginawa during the last couple of days of the month – kasi matatapos ang processing nito sa bank next month na at sa next month narin ito na bank statement ma-rereflect. Usually ito yung mga dated at the end of the month.

NEVER will you see these items (DIT and OS) in the bank – sa book nanggagaling ang mga difference na ito kaya book adjustments ang mga ito.

So, paano ginagawa ang pacocompute ng DIT at OS sa totoong buhay? Usually manual ito (as in iisa-isahin mo lahat ng nakalista sa bank statement mo at ikukumpara mo sa records mo). Pero, due to technological advancements, pede mo na madownload ang mga bank statement mo in an excel format tapos i-uupload mo nalang sa system nyo at yung computer nyo nalang gumagawa. Kaso ako, para makasiguro talaga (kasi minsan may glitches sa computer), Dino-download ko nalang yung records namin from the system into an excel file tapos sa Excel ko nalang sya pagkukumparahin. Para-paraan nalang sa mga formula para maging automatic yung computation mo sa DIT at OS mo for the month (teka, computer subject na to, ehhehe) using Excel.

Anong logic ng Formula?

DIT:

Kung i-aadd mo yung DIT mo last month sa mga total deposits mo ngayon, eto yung amount na nagrerepresent ng total deposits na ineexpect mong ma-cclear ng banko. Kaso, since hindi lahat yan magcclear, ibabawas mo yung na-clear lang sa bank (Receipts for the Month, per bank). So yung matitira, yung mga deposito mo na hindi nagclear or the so-called Deposit in Transit. Etong amount na ito, hindi lang para sa mga deposito sa buwan na ito. This amount may inlude those old old deposits from previous months na for some reason, hindi parin nagcclear hanggang sa ngayon. Isa pa ito sa function ng bank recon – namomonitor mo yung mga DIT at OS na matagal nang hindi pa nagcclear.

OS:
Same din ang logic. Kung pagsasama-samahin mo lahat ng cheke na hindi pa nagclear last month sa lahat ng cheke na isinulat at ibinayad mo this month, ang makukuha mong amount is yung pera na ineexpect mo na binayaran ng bank sa 3rd parties. However, this will not be the case. Hindi lahat yun mababayaran sa buwan na it0. Kaya, ibabawas mo yung amount na nabayaran lang ng bank (Checks paid, per bank). So ang matitira sayo ay ang outstanding checks mo.

TIPS:

Sa discussion ko na ito, tulad nga ng sinabi ko nung simula, hindi yan straight-cut rule sa pagcompute ng DIT at OS. Ipinaliwanag ko lamang ang logic kung bakit may at saan nanggagaling ang deposit in transit at outstanding checks. Ang importante pag nagsasagot kayo sa school, intindihin nyo yung hinahanap at kung anong data lang ang available sa inyo. Tapos iapply nyo itong tinalakay ko.

If there are further questions about the topic, please don’t hesitate to post a comment.

Advertisements
  1. Jonas
    July 3, 2010 at 7:22 am

    Thanks Po Sir Joseph..ganda mung magpaliwanag so concise..It helps Me a lot.

  2. Richard E. Ruiz
    July 17, 2010 at 9:21 pm

    sir malaking tulong mga explanation mo dito para sa cpa board exams. salamat po

  3. dee madrilejo
    November 16, 2010 at 2:54 am

    pwede pa-explain naman po ung cash receipts per book,at cash disbursements per book

  4. February 5, 2011 at 5:28 pm

    ..kuya joseph…thank you talaga..ang dami ko natutunan sa yo..godbless

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: